Mga miyembro ng MILF na umanib sa ibang partido, pinagpapaliwanag; paglabag sa Memorandum No. 06, may katapat na indefinite leave

Ipinag-utos ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Central Committee na magpaliwanag ang mga miyembro nito na umanib o naging bahagi ng mga partidong pampulitika maliban sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP). Ayon sa inilabas na pahayag, ang nasabing hakbang ay kaugnay ng pagpapatupad ng Memorandum No. 06 ng MILF na nagtatakda na ang UBJP lamang…

₱110K NA TULONG PARA SA PAMILYA NG NASAWING BATANG ATLETA SA BARMMAA, INIHANDOG NG 15 MAMBABATAS NG BTA

Nagkaloob ng kabuuang ₱110,000 tulong-pinansyal ang 15 na mambababtas ng Committee on Basic, Higher, and Technical Education para sa pamilya ng 11-anyos na atleta mula sa Lamitan City na nasawi kasabay ng ginaganap sa BARMMAA Meet 2026 sa Parang, Maguindanao Del Norte. Ayon kay CBHTE Vice Chair Susana Anayatin, boluntaryong kontribusyon ang kanilang ginawa at…

PAMAMAHAGI NG LIBRENG GAMOT, AYUDA AT PAGSASAGAWA NG MEDICAL MISSION, MAS PINAIIGTING NG BANGSAMORO GOVERNMENT

Mas pinaiigting ng Bangsamoro Government ang pamamahagi ng libreng gamot, ayuda, at pagsasagawa ng medical mission sa iba’t ibang komunidad sa loob at labas ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Sa ilalim ng programang Project TABANG na pinangungunahan ng tanggapan ni Chief Minister Abdulraof Macacua, patuloy na inilalapit ang serbisyong pangkalusugan at panlipunan…

PANUKALANG SALAMAT HASHIM BOARDING MADRASAH, UMABANTE NA SA KOMITE NG BTA; FULL-TIME RESIDENTIAL EDUCATION, ISINUSULONG NI MP ABDULBASIT BENITO

Umabante na sa antas ng komite ng Bangsamoro Transition Authority ang panukalang batas na naglalayong itatag ang Salamat Hashim Boarding Madrasah, na inaasahang magpapalakas sa Education system BARMM region. Sa isinagawang pagdinig ng Committee on Basic, Higher, and Technical Education, tinalakay ang BTA Bill No. 420 na inakda ni MP Abdulbasit Benito. Layunin ng panukala…