Isasailalim sa pagkukumpuni ang ilang sirang madrasah, masjid, at mga bahay sa iba’t ibang lugar sa Mindanao sa ilalim ng inisyatiba ng tanggapan ni Member of Parliament Abdulbasit R. Benito.

Isinagawa ang inisyatiba sa ilalim ng Bangsamoro Transition Authority kung saan saklaw ang mga lalawigan ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur, kabilang na rin ang Special Geographic Areas at Cotabato City.

Gagamitin ang mga ipinamahaging construction materials ni MP Benito sa rehabilitasyon ng mga nasabing istruktura na napinsala, upang muling mapakinabangan ng mga residente.

Ayon sa ilang benepisyaryo, malaking tulong ang naturang programa sa pagpapatuloy ng pagkukumpuni ng kanilang mga tahanan at mga lugar ng pagsamba.

Patuloy namang isinasagawa ang ganitong uri ng distribusyon sa iba pang komunidad bilang bahagi ng rehabilitasyon sa rehiyon. | | via Yanie Abdulrasid, Mindanao Exposé News