41 MILF OFFICIALS, KABILANG SI BIAF CHIEF OF STAFF ABDULRAOF “SAMMY GAMBAR” MACACUA, PERMANENTENG INALIS SA KANILANG MGA POSISYON

PERMANENTENG inalis sa kanilang mga opisyal na posisyon sa MILF at BIAF ang 41 opisyal at miyembro, kabilang si BIAF Chief of Staff Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, at inatasang i-turn over ang lahat ng kagamitan, dokumento at impormasyong may kaugnayan sa kanilang dating mga tungkulin. Inianunsyo ang hakbang kasabay ng Grand General Assembly ng BIAF…

PINANGYARIHAN NG AMBUSH SA CONVOY NI ICM MACACUA, TINUNGO NI DOS MAYOR BABA ABAS

Tinungo ni Datu Odin Sinsuat Mayor Baba Abas ang pinangyarihan ng ambush sa convoy ni BARMM chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua sa bahagi ng Barangay Bitu nitong araw ng Linggo, August 16. Kasama ni Abas sa pagbisita ang mga tauhan ng PNP at Militar bilang bahagi ng malalimang imbestigasyon upang matukoy ang mga sangkot…

BFP, PINAIIGTING ANG PAGHAHANDA PARA SA HALALAN; MAHIGIT 800 BAGONG MIYEMBRO, NANUMPA SA SGA

Pinaigting na ng Bangsamoro Federalist Party o BFP ang paghahanda nito para sa nalalapit na Bangsamoro Parliamentary Elections sa Setyembre 14, 2026. Ayon kay BFP Spokesperson Atty. Naguib Sinarimbo, sunud-sunod ang isinagawang pagpupulong ng pamunuan at mga opisyal ng partido mula Biyernes hanggang Linggo bilang bahagi ng paghahanda sa kampanya at koordinasyon ng mga kandidato…

KILALANG VLOGGER SA COTABATO CITY, PINASLANG; POSIBLENG MAY KAUGNAYAN SA TRABAHO O PERSONAL NA ALITAN, TINITINGNANG MOTIBO

Patay ang kilalang vlogger at empleyado ng City Transportation and Trffic Management ng Cotabato City LGU matapos pagbabarilin sa bahagi ng Don TV Juliano Street, Purok Zion B, Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City, bandang alas-5:40 ng hapon nitong June 30. Kinilala ang biktima na si Sandy Boy Blah Odin, 39 years old, na mas…

BARAKAH ISLAMIC PAWNSHOP, INILUNSAD SA COTABATO; SHARIAH-COMPLIANT NA SANGLAAN IPINAKILALA

Pormal nang inilunsad nitong Huwebes, Hunyo 18, sa Jamiat Cotabato ang Barakah Islamic Pawnshop, isang Shariah-compliant na sanglaan na naglalayong magbigay ng halal at walang interes na serbisyong pinansyal para sa mga mamamayan. Dinaluhan ng mga opisyal ng Jamiat Cotabato, kabilang sina Sheikh Saad H. Sindatok at Abihuraira Zailon Guialab, kasama ang mga guro at…

MACACUA, IPINALIWANAG ANG PAGTAKBO BILANG INDEPENDENT KASUNOD NG SUSPENSYON NG MILF

Ipinaliwanag ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua ang kanyang desisyon na tumakbo bilang independent candidate sa nalalapit na Bangsamoro parliamentary elections, kasunod ng pagpapataw sa kanya ng indefinite suspension bilang Chief of Staff ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Sa inilabas na pahayag nitong Biyernes, sinabi ni Macacua na…

5.2 MAGNITUDE NA LINDOL, NARAMDAMAN SA GSKP, MAGUINDANAO DEL SUR!

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bahagi ng General Salipada K. Pendatun, Maguindanao del Sur nitong Biyernes ng gabi, Mayo 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Naitala ang pagyanig alas-7:25 ng gabi na may lalim na 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan. Natukoy ang epicenter sa layong 4 kilometro hilagang-kanluran…

TIG ₱150,000, TINANGGAP NG MGA CSOs SA ILALIM NG TDIF NI MP BENITO

Tumanggap ng tig-₱150,000 na tulong pinansyal ang ilang Civil Society Organizations (CSOs) mula sa tanggapan ni MP Abdulbasit Benito bilang unang batch ng beneficiaries ng Transitional Development Impact Fund (TDIF) para sa 2026. Ayon kay Benito, layunin ng ayuda na magsilbing panimulang puhunan upang mapalakas ang mga livelihood at community-based projects ng mga organisasyon para…