LUMALALANG HIDWAAN SA SOCIAL MEDIA, KINAKAILANGAN NG AKSYUNAN AYON KAY BTA DEPUTY SPEAKER FAIZAL”DATU RANDY” KARON; POLITICAL INTEREST, ISANTABI MUNA
Nanawagan si newly Deputy Speaker Faizal “Datu Randy” Karon na isantabi muna ang personal at pampulitikang interes at magtulungan ang buong parliamento para tugunan ang mga problema sa Bangsamoro.
Ayon sa kanya, lumalala ang hidwaan, lalo sa social media, at kailangan ng agarang aksyon mula sa liderato upang matigil ang kaguluhan.
Binigyang-diin din ng opisyal na hindi sapat ang pansamantalang solusyon sa mga insidente ng karahasan sa komunidad.
Ayon sa kanya, aktibo siyang nakikibahagi kasama ang PNP at Militar sa pagresponde sa mga hidwaan sa ground ngunit aniya nananatiling “band-aid solution” lamang ang mga ito kung hindi matutugunan ang ugat ng problema.
Nanawagan din siya sa kapwa nito mambabatas na gumawa at magtulungan para sa ng agarang aksyon upang wakasan ang umiiral na kaguluhan at maibalik ang tiwala ng publiko, lalo na sa gitna ng negatibong imahe na kumakalat online. | via Shayanie Nul, Mindanao Expose News


