OFFICIALLY PROCLAIMED NA SI MP-ELECT AMIR MAWALLIL Opisyal nang ipinroklama ng Commission on Elections (COMELEC) si Amilbahar “Amir” S. Mawallil bilang MP-elect at nanalong party representative ng BARMM Grand Coalition (BGC) sa 1st BARMM Parliamentary Elections.

Si Mawallil ay isa sa mga BGC regional party nominees na nakakuha ng puwesto sa bagong Bangsamoro Parliament, dahilan upang muling makabalik sa Parlamento matapos ang kanyang dating termino bilang Member of Parliament. Dating miyembro ng Bangsamoro Transition Authority Parliament, kilala rin si Mawallil bilang manunulat at youth advocate na naging aktibo sa mga usapin…

BARMM stakeholders kumpiyansa sa mapayapa at mataas na voter’s turnout ng parliamentary elections

COTABATO CITY – Tiwala ang election stakeholders ng Bangsamoro na magiging mapayapa at maayos ang kauna-unahang regular parliamentary elections sa Lunes, Setyembre 14, kasabay ng inaasahang mataas na voter’s turnout sa buong rehiyon. Ito’y makaraang ipakita ng Commission on Elections, mga ahensyang pangseguridad, lokal na pamahalaan at iba pang stakeholder ang kanilang mga ginagawang paghahanda…

BFP, PAGKAKAISA AT INCLUSIVE GOVERNANCE ANG ITUTULAK SA BANGSAMORO — MACACUA

Pagkakaisa at inklusibong pamamahala ang pangunahing itinutulak ng Bangsamoro Federalist Party (BFP) sa Bangsamoro, ayon kay BFP candidate at BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua sa pagtatapos ng 45-araw na campaign period. Sa kanyang talumpati sa Miting de Avance ng BFP, sinabi ni Macacua na layunin ng partido na pag-isahin ang iba’t ibang sektor ng…

MILF AMNESTY APPLICANTS, HINIKAYAT NA PANINDIGAN ANG PANGAKO SA KAPAYAPAAN HABANG HINIHINTAY ANG DESISYON

Hinikayat ang mga aplikante sa amnestiya, kabilang ang mga miyembro at commander ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIAF, na panatilihin ang kanilang pangako sa kapayapaan habang hinihintay ang desisyon ng pamahalaan sa kanilang mga aplikasyon. Ang panawagan ay inilabas kasabay ng paggunita ngayong Setyembre sa National Peace…

41 MILF OFFICIALS, KABILANG SI BIAF CHIEF OF STAFF ABDULRAOF “SAMMY GAMBAR” MACACUA, PERMANENTENG INALIS SA KANILANG MGA POSISYON

PERMANENTENG inalis sa kanilang mga opisyal na posisyon sa MILF at BIAF ang 41 opisyal at miyembro, kabilang si BIAF Chief of Staff Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, at inatasang i-turn over ang lahat ng kagamitan, dokumento at impormasyong may kaugnayan sa kanilang dating mga tungkulin. Inianunsyo ang hakbang kasabay ng Grand General Assembly ng BIAF…

PINANGYARIHAN NG AMBUSH SA CONVOY NI ICM MACACUA, TINUNGO NI DOS MAYOR BABA ABAS

Tinungo ni Datu Odin Sinsuat Mayor Baba Abas ang pinangyarihan ng ambush sa convoy ni BARMM chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua sa bahagi ng Barangay Bitu nitong araw ng Linggo, August 16. Kasama ni Abas sa pagbisita ang mga tauhan ng PNP at Militar bilang bahagi ng malalimang imbestigasyon upang matukoy ang mga sangkot…

BFP, PINAIIGTING ANG PAGHAHANDA PARA SA HALALAN; MAHIGIT 800 BAGONG MIYEMBRO, NANUMPA SA SGA

Pinaigting na ng Bangsamoro Federalist Party o BFP ang paghahanda nito para sa nalalapit na Bangsamoro Parliamentary Elections sa Setyembre 14, 2026. Ayon kay BFP Spokesperson Atty. Naguib Sinarimbo, sunud-sunod ang isinagawang pagpupulong ng pamunuan at mga opisyal ng partido mula Biyernes hanggang Linggo bilang bahagi ng paghahanda sa kampanya at koordinasyon ng mga kandidato…

PINALAKAS NG 6ID, OPAPRU AT MGA LIDER NG MAGUINDANAO DEL SUR ANG KOORDINASYON PARA SA KAPAYAPAAN

Pinagtibay ng 6th Infantry Division (6ID), Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), at mga lider ng Maguindanao del Sur ang kanilang pagkakaisa upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa lalawigan. Sa Maguindanao del Sur Leaders’ Conference nitong Hulyo 16, nagtipon ang mga opisyal ng pambansang pamahalaan, mga alkalde, security sector,…

GRENADE ATTACK, PINANINIWALAANG SANHI NG PAGSABOG SA SHARIFF AGUAK; LIMA ANG SUGATAN

Pinaniniwalaang isang grenade attack ang nasa likod ng pagsabog na naganap bandang alas-6:26 ng umaga nitong Sabado sa roundabout ng Barangay Mother Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur. Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, sakay ng isang military truck ang mga tauhan ng 2nd Special Forces Reconnaissance Battalion na patungo sana sa Isulan para sa…

DALAWANG TRABAHANTE NG DUCKERY, BRUTAL NA PINATAY SA AMPATUAN; MISTAKEN IDENTITY, ISA SA MGA TINITINGNANG MOTIBO

Brutal na kamatayan ang sinapit ng dalawang tagapag-alaga ng mga itik matapos silang matagpuang patay sa isang liblib na bahagi ng Sitio Bakoko, Barangay Matagabong, Ampatuan, Maguindanao del Sur, Miyerkules ng umaga. Sa ulat ng PNP PROBAR, kinilala ang mga biktima na sima “Jerome” at “Noel”, kapwa 31 taong gulang at mga residente ng Esperanza,…