KAPATID NG TALITAY MAYOR, BISE MAYOR AT KONSEHAL, ARESTADO SA BISA NG WARRANT OF ARREST

Arestado ang kapatid nina Talitay Mayor Sidik Amiril, Vice Mayor Musa Amiril, at Councilor Bai Pinang Amiril matapos itong isuko sa mga awtoridad ngayong umaga kasunod ng inilabas na warrant of arrest ng korte laban dito. Ayon kay Mayor Sidik Amiril, walang sinuman ang dapat maging exempted sa pagpapatupad ng batas, kabilang na ang kanilang…

KILALANG VLOGGER SA COTABATO CITY, PINASLANG; POSIBLENG MAY KAUGNAYAN SA TRABAHO O PERSONAL NA ALITAN, TINITINGNANG MOTIBO

Patay ang kilalang vlogger at empleyado ng City Transportation and Trffic Management ng Cotabato City LGU matapos pagbabarilin sa bahagi ng Don TV Juliano Street, Purok Zion B, Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City, bandang alas-5:40 ng hapon nitong June 30. Kinilala ang biktima na si Sandy Boy Blah Odin, 39 years old, na mas…

PAGKAKATALAGA KAY MACACUA, HINDI LAMANG ISYUNG LEGAL KUNDI MAY KAUGNAYAN DIN SA PEACE PROCESS — DATING IBP PRESIDENT

Nilinaw ni Atty. Frances Cynthia J. Guiani, dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Cotabato City and Maguindanao Chapter, na ang legal na opinyong inilabas ni Atty. Bai Dona Dilangalen kaugnay ng pagkakatalaga kay Interim Chief Minister Abdulraof Macacua ay hindi opisyal na posisyon ng IBP. Ayon kay Guiani, walang naging konsultasyon o…

MGA UMANO’Y IREGULARIDAD SA MBHTE, TINALAKAY SA BTA OVERSIGHT HEARING

Ang umano’y korapsyon at mga kapabayaan sa ilalim ng panunungkulan ni dating MBHTE minister Mohagher Iqbal ay isinailalim sa matinding pagsisiyasat sa pagdinig ng Bangsamoro Transition Authority parliament, kung saan natuklasan ng mga mambabatas ang sunod-sunod na iregularidad mula sa umano’y “slot-for-sale” scheme, matagal na hindi pagtalaga sa humigit-kumulang 30,000 guro at kawani ng administrasyon,…

MILF CENTRAL COMMITTEE, NAGLABAS NG BAGONG KAUTUSAN UPANG PAIGTINGIN ANG PEACE PROCESS; PEACE MECHANISMS, NAGKAROON NG REORGANIZATION!

Opisyal na muling binuo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Central Committee ang mga mekanismong nangangasiwa sa pagpapatupad ng mga kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at ng pamahalaan. Sa ilalim ng Memorandum Order No. 013, Series of 2026 na nilagdaan ni MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim, inatasan ang mga reconstituted peace bodies na…

BARAKAH ISLAMIC PAWNSHOP, INILUNSAD SA COTABATO; SHARIAH-COMPLIANT NA SANGLAAN IPINAKILALA

Pormal nang inilunsad nitong Huwebes, Hunyo 18, sa Jamiat Cotabato ang Barakah Islamic Pawnshop, isang Shariah-compliant na sanglaan na naglalayong magbigay ng halal at walang interes na serbisyong pinansyal para sa mga mamamayan. Dinaluhan ng mga opisyal ng Jamiat Cotabato, kabilang sina Sheikh Saad H. Sindatok at Abihuraira Zailon Guialab, kasama ang mga guro at…

MACACUA, IPINALIWANAG ANG PAGTAKBO BILANG INDEPENDENT KASUNOD NG SUSPENSYON NG MILF

Ipinaliwanag ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua ang kanyang desisyon na tumakbo bilang independent candidate sa nalalapit na Bangsamoro parliamentary elections, kasunod ng pagpapataw sa kanya ng indefinite suspension bilang Chief of Staff ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Sa inilabas na pahayag nitong Biyernes, sinabi ni Macacua na…

SUSPENSION ORDER KAY BARMM CHIEF MINISTER MACACUA BILANG BIAF CHIEF OF STAFF, LUMABAS SA GITNA NG PINAIIGTING NA ANTI-KORAPSYON DRIVE NITO SA BARMM

Naglabas ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) Central Committee ng resolusyon na nagpapataw ng indefinite suspension kay Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua bilang Chief of Staff ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF). Ayon sa resolusyon, ang suspensyon ay may kaugnayan sa umano’y hindi pagsunod ni Macacua sa ilang direktiba at pasya ng MILF…