MILF CENTRAL COMMITTEE, NAGLABAS NG BAGONG KAUTUSAN UPANG PAIGTINGIN ANG PEACE PROCESS; PEACE MECHANISMS, NAGKAROON NG REORGANIZATION!

Opisyal na muling binuo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Central Committee ang mga mekanismong nangangasiwa sa pagpapatupad ng mga kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at ng pamahalaan.

Sa ilalim ng Memorandum Order No. 013, Series of 2026 na nilagdaan ni MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim, inatasan ang mga reconstituted peace bodies na paigtingin ang koordinasyon, pagsubaybay, at pagpapatupad ng mga kasunduan kaugnay ng normalisasyon at camp transformation sa Bangsamoro.

Kabilang sa mga muling binuong mekanismo ang Joint Normalization Committee, Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities, Joint Peace and Security Committee, Joint Peace and Security Team, at Joint Task Force on Camps Transformation.

Ayon sa MILF, layunin ng hakbang na mapalakas ang implementasyon ng peace process, mapanatili ang mga naabot na kasunduan, at maisulong ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa Bangsamoro.

Epektibo ang nasabing memorandum noong June 10.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *