KILALANG VLOGGER SA COTABATO CITY, PINASLANG; POSIBLENG MAY KAUGNAYAN SA TRABAHO O PERSONAL NA ALITAN, TINITINGNANG MOTIBO

Patay ang kilalang vlogger at empleyado ng City Transportation and Trffic Management ng Cotabato City LGU matapos pagbabarilin sa bahagi ng Don TV Juliano Street, Purok Zion B, Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City, bandang alas-5:40 ng hapon nitong June 30.

Kinilala ang biktima na si Sandy Boy Blah Odin, 39 years old, na mas kilala sa social media bilang “Baste Masukat at isang aktibong traffice enforcer.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Cotabato City Police Office (CCPO) na bumibili umano ng tinapay ang biktima sa isang panaderya nang lapitan at barilin sa ulo ng nag-iisang suspek.

Agad na tumakas ang salarin sakay ng puti at pulang XRM motorcycle matapos ang krimen.

Naisugod pa umano sa Cotabato Regional Medical Center ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Narekober ng mga rumespondeng pulis ang mga basyo ng bala ng kalibre .45 sa pinangyarihan ng insidente.

Agad ding nagsagawa ng lockdown, pagkuha ng CCTV footage, at hot pursuit operation ang mga awtoridad katuwang ang mga kalapit na himpilan ng pulisya at border control points.

Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng CCPO sa krimen.

Kabilang sa mga anggulong sinisiyasat ang posibleng may kaugnayan sa trabaho o personal na alitan.

Tiniyak naman ng pulisya na ginagawa nila ang lahat ng hakbang upang matukoy, madakip ang suspek, at mapanagot ito sa batas. | via Mindanao Expose News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *