OFFICIALLY PROCLAIMED NA SI MP-ELECT AMIR MAWALLIL Opisyal nang ipinroklama ng Commission on Elections (COMELEC) si Amilbahar “Amir” S. Mawallil bilang MP-elect at nanalong party representative ng BARMM Grand Coalition (BGC) sa 1st BARMM Parliamentary Elections.

Si Mawallil ay isa sa mga BGC regional party nominees na nakakuha ng puwesto sa bagong Bangsamoro Parliament, dahilan upang muling makabalik sa Parlamento matapos ang kanyang dating termino bilang Member of Parliament. Dating miyembro ng Bangsamoro Transition Authority Parliament, kilala rin si Mawallil bilang manunulat at youth advocate na naging aktibo sa mga usapin…

BFP, PAGKAKAISA AT INCLUSIVE GOVERNANCE ANG ITUTULAK SA BANGSAMORO — MACACUA

Pagkakaisa at inklusibong pamamahala ang pangunahing itinutulak ng Bangsamoro Federalist Party (BFP) sa Bangsamoro, ayon kay BFP candidate at BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua sa pagtatapos ng 45-araw na campaign period. Sa kanyang talumpati sa Miting de Avance ng BFP, sinabi ni Macacua na layunin ng partido na pag-isahin ang iba’t ibang sektor ng…

MILF AMNESTY APPLICANTS, HINIKAYAT NA PANINDIGAN ANG PANGAKO SA KAPAYAPAAN HABANG HINIHINTAY ANG DESISYON

Hinikayat ang mga aplikante sa amnestiya, kabilang ang mga miyembro at commander ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIAF, na panatilihin ang kanilang pangako sa kapayapaan habang hinihintay ang desisyon ng pamahalaan sa kanilang mga aplikasyon. Ang panawagan ay inilabas kasabay ng paggunita ngayong Setyembre sa National Peace…

PINALAKAS NG 6ID, OPAPRU AT MGA LIDER NG MAGUINDANAO DEL SUR ANG KOORDINASYON PARA SA KAPAYAPAAN

Pinagtibay ng 6th Infantry Division (6ID), Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), at mga lider ng Maguindanao del Sur ang kanilang pagkakaisa upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa lalawigan. Sa Maguindanao del Sur Leaders’ Conference nitong Hulyo 16, nagtipon ang mga opisyal ng pambansang pamahalaan, mga alkalde, security sector,…

DALAWANG TRABAHANTE NG DUCKERY, BRUTAL NA PINATAY SA AMPATUAN; MISTAKEN IDENTITY, ISA SA MGA TINITINGNANG MOTIBO

Brutal na kamatayan ang sinapit ng dalawang tagapag-alaga ng mga itik matapos silang matagpuang patay sa isang liblib na bahagi ng Sitio Bakoko, Barangay Matagabong, Ampatuan, Maguindanao del Sur, Miyerkules ng umaga. Sa ulat ng PNP PROBAR, kinilala ang mga biktima na sima “Jerome” at “Noel”, kapwa 31 taong gulang at mga residente ng Esperanza,…

KAPATID NG TALITAY MAYOR, BISE MAYOR AT KONSEHAL, ARESTADO SA BISA NG WARRANT OF ARREST

Arestado ang kapatid nina Talitay Mayor Sidik Amiril, Vice Mayor Musa Amiril, at Councilor Bai Pinang Amiril matapos itong isuko sa mga awtoridad ngayong umaga kasunod ng inilabas na warrant of arrest ng korte laban dito. Ayon kay Mayor Sidik Amiril, walang sinuman ang dapat maging exempted sa pagpapatupad ng batas, kabilang na ang kanilang…

KILALANG VLOGGER SA COTABATO CITY, PINASLANG; POSIBLENG MAY KAUGNAYAN SA TRABAHO O PERSONAL NA ALITAN, TINITINGNANG MOTIBO

Patay ang kilalang vlogger at empleyado ng City Transportation and Trffic Management ng Cotabato City LGU matapos pagbabarilin sa bahagi ng Don TV Juliano Street, Purok Zion B, Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City, bandang alas-5:40 ng hapon nitong June 30. Kinilala ang biktima na si Sandy Boy Blah Odin, 39 years old, na mas…

685 BARIL, WINASAK SA ILALIM NG ASPIRE PROJECT UPANG PALAKASIN ANG KAPAYAPAAN SA BARMM

Pormal nang winasak ang 685 piraso ng Small Arms and Light Weapons (SALW) sa pamamagitan ng cutting machine sa seremonya na isinagawa sa Headquarters ng 6th Infantry Division sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte. Bahagi ang aktibidad ng ASPIRE Project na pinondohan ng pamahalaan ng Japan at ipinatutupad ng United Nations Development Programme…

MGA UMANO’Y IREGULARIDAD SA MBHTE, TINALAKAY SA BTA OVERSIGHT HEARING

Ang umano’y korapsyon at mga kapabayaan sa ilalim ng panunungkulan ni dating MBHTE minister Mohagher Iqbal ay isinailalim sa matinding pagsisiyasat sa pagdinig ng Bangsamoro Transition Authority parliament, kung saan natuklasan ng mga mambabatas ang sunod-sunod na iregularidad mula sa umano’y “slot-for-sale” scheme, matagal na hindi pagtalaga sa humigit-kumulang 30,000 guro at kawani ng administrasyon,…