Mga miyembro ng MILF na umanib sa ibang partido, pinagpapaliwanag; paglabag sa Memorandum No. 06, may katapat na indefinite leave

Ipinag-utos ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Central Committee na magpaliwanag ang mga miyembro nito na umanib o naging bahagi ng mga partidong pampulitika maliban sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP). Ayon sa inilabas na pahayag, ang nasabing hakbang ay kaugnay ng pagpapatupad ng Memorandum No. 06 ng MILF na nagtatakda na ang UBJP lamang…

₱110K NA TULONG PARA SA PAMILYA NG NASAWING BATANG ATLETA SA BARMMAA, INIHANDOG NG 15 MAMBABATAS NG BTA

Nagkaloob ng kabuuang ₱110,000 tulong-pinansyal ang 15 na mambababtas ng Committee on Basic, Higher, and Technical Education para sa pamilya ng 11-anyos na atleta mula sa Lamitan City na nasawi kasabay ng ginaganap sa BARMMAA Meet 2026 sa Parang, Maguindanao Del Norte. Ayon kay CBHTE Vice Chair Susana Anayatin, boluntaryong kontribusyon ang kanilang ginawa at…

PAMAMAHAGI NG LIBRENG GAMOT, AYUDA AT PAGSASAGAWA NG MEDICAL MISSION, MAS PINAIIGTING NG BANGSAMORO GOVERNMENT

Mas pinaiigting ng Bangsamoro Government ang pamamahagi ng libreng gamot, ayuda, at pagsasagawa ng medical mission sa iba’t ibang komunidad sa loob at labas ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Sa ilalim ng programang Project TABANG na pinangungunahan ng tanggapan ni Chief Minister Abdulraof Macacua, patuloy na inilalapit ang serbisyong pangkalusugan at panlipunan…

PANUKALANG SALAMAT HASHIM BOARDING MADRASAH, UMABANTE NA SA KOMITE NG BTA; FULL-TIME RESIDENTIAL EDUCATION, ISINUSULONG NI MP ABDULBASIT BENITO

Umabante na sa antas ng komite ng Bangsamoro Transition Authority ang panukalang batas na naglalayong itatag ang Salamat Hashim Boarding Madrasah, na inaasahang magpapalakas sa Education system BARMM region. Sa isinagawang pagdinig ng Committee on Basic, Higher, and Technical Education, tinalakay ang BTA Bill No. 420 na inakda ni MP Abdulbasit Benito. Layunin ng panukala…

MACACUA, KINUMPIRMANG TATAKBO BILANG DISTRICT REPRESENTATIVE SA UNANG BARMM PARLIAMENTARY ELECTION

Kinumpirma ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua na siya ay tatakbo bilang district representative sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Election. Sa panayam, diretsahang sinabi ng punong ministro na nakapagdesisyon na siya sa kanyang pagtakbo. “Tapos na ’yun, tatakbo ako, magdi-district talaga ako,” ani Macacua. Ang naturang pahayag ay tugon sa tanong kung pinal na ang kanyang…

9 SECTORAL GROUPS AT 5 REGIONAL PARTIES, NAKAPAGHAIN NA NG PETISYON; APRIL 7 DEADLINE NG PAGHAHAIN

Umabot na sa siyam (9) na Parliamentary Sectoral Organization at limang (5)) Regional Parliament Political Parties(RPPPs) ang matagumpay na nakapaghain ng Petion for Registration and Accreditation kasma ang Manifestation of Intent to Participate sa nalalapit na 1st BARMM Elections sa September 14, 2026. Ayon kay Atty. Mohammad Nabil Mutia ng COMELEC BARMM, kabilang sa mga…

2 QUARRY BOYS NA SUMA-SIDELINE SA PAGBEBENTA NG SHABU SA CROSSING SIMUAY, SULTAN KUDARAT, MDN, ARESTADO NG PNP

Arestado ang dalawang lalaki matapos ma-entrapped sa isinagawang operasyon ng PNP sa Barangay Crossing Simuay, Sultan Kudarat Maguindanao Del Norte nitong gabi ng Huwebes, April 2. Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na “Kulay” at “Mokong,” na kapwa residente ng Barangay Darapanan at nagtatrabaho bilang “quarry boys.” Ayon sa impormasyon mula kay Kagawad Edres…

2 KAHINA-HINALANG LALAKI NA SAKAY NG WALANG PLAKANG MOTORSIKLO, ARESTADO SA DAS, MAGUINDANAO DEL SUR!

Naaresto ang dalawang lalaki sa isang checkpoint operation sa Barangay Talisawa, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur. Ayon sa Maguindanao Del Sur Police Provincial Office, pinara ang isang asul na motorsiklong walang plaka na sinasakyan ng mga suspek na kinilalang sina alyas “Mokalidin” at “Mohamidin,” kapwa residente ng Barangay Mao. Dahil sa kahina-hinalang kilos, isinailalim…