PAMAMAHAGI NG LIBRENG GAMOT, AYUDA AT PAGSASAGAWA NG MEDICAL MISSION, MAS PINAIIGTING NG BANGSAMORO GOVERNMENT

Mas pinaiigting ng Bangsamoro Government ang pamamahagi ng libreng gamot, ayuda, at pagsasagawa ng medical mission sa iba’t ibang komunidad sa loob at labas ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa ilalim ng programang Project TABANG na pinangungunahan ng tanggapan ni Chief Minister Abdulraof Macacua, patuloy na inilalapit ang serbisyong pangkalusugan at panlipunan sa mga Bangsamoro, kabilang ang mga nasa “Other Bangsamoro Communities.”

Ayon sa BARMM Government, layunin ng PROJECT Tabang na matugunan ang agarang pangangailangan ng mamamayan at mapalakas ang akses sa serbisyong pangkalusugan at kabuhayan.

Pinangungunahan ni Project Manager Brahim P. Lacua ang pagpapatupad ng programa upang mas mapalawak ang saklaw nito at madagdagan ang mga benepisyaryo.

Iginiit ng pamahalaan na patuloy itong maghahatid ng tulong at serbisyo sa lahat ng Bangsamoro saan mang lugar | via Shayanie Nul,Mindanao Expose News