9 SECTORAL GROUPS AT 5 REGIONAL PARTIES, NAKAPAGHAIN NA NG PETISYON; APRIL 7 DEADLINE NG PAGHAHAIN

Umabot na sa siyam (9) na Parliamentary Sectoral Organization at limang (5)) Regional Parliament Political Parties(RPPPs) ang matagumpay na nakapaghain ng Petion for Registration and Accreditation kasma ang Manifestation of Intent to Participate sa nalalapit na 1st BARMM Elections sa September 14, 2026.
Ayon kay Atty. Mohammad Nabil Mutia ng COMELEC BARMM, kabilang sa mga Political Parties na nakapaghain na ng kanilang mga dokumento ay ang Bangsamoro Party(BAPA), United Bangsamoro Justice Party (UBJP), Alliance of Bangsamo Tri-Peoples Party (ABOT), AL RAAYAT Democratic Party, at Bangsamoro Empowerment and Social Transformation (BEST Party).
Samantala, kabilang naman sa mga sectoral organization ang Royal Sultanate of Langkong; Christian Settler for Peace; Settler Organization for Peace; Iranon Sultanate League; at iba’t ibang sectoral wings ng UBJP gaya ng para sa Settlers, Traditional Leaders, Youth, Women, at Ulama.
Ang mga grupong ito ay naghain din ng kani-kanilang listahan ng mga nominado na lalahok sa kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM.
Patuloy naman ang pagsusuri ng COMELEC sa mga isinumiteng dokumento upang matiyak ang pagsunod sa mga itinakdang requirements bago tuluyang aprubahan ang kanilang partisipasyon sa halalan. | via Yanie Abdulrasid , Mindanao Expose News


