₱110K NA TULONG PARA SA PAMILYA NG NASAWING BATANG ATLETA SA BARMMAA, INIHANDOG NG 15 MAMBABATAS NG BTA

Nagkaloob ng kabuuang ₱110,000 tulong-pinansyal ang 15 na mambababtas ng Committee on Basic, Higher, and Technical Education para sa pamilya ng 11-anyos na atleta mula sa Lamitan City na nasawi kasabay ng ginaganap sa BARMMAA Meet 2026 sa Parang, Maguindanao Del Norte.

Ayon kay CBHTE Vice Chair Susana Anayatin, boluntaryong kontribusyon ang kanilang ginawa at nakabuo sila ng kabuuang ₱160,000 mula sa 15 mambabatas.

Sa nasabing halaga, ₱110,000 ang ibinigay sa pamilya ng nasawing atleta habang ₱50,000 naman ang inilaan para sa food packs ng mga atleta.

Layunin ng ayuda na makatulong sa gastusin ng naulilang pamilya, kabilang ang burol at iba pang pangangailangan sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.

Nagpahayag din ng pakikiramay ang mga mambabatas at tiniyak ang kanilang suporta sa pamilya ng nasawi.

Kabilang sa nagpaabot ng tulong sina MP Susana Anayatin, MP Baintan Ampatuan, MP Tomanda Antok, MP Abdulbasit Benito, MP Fahani Uy-Oyod, MP Suharto Ambolodto, MP Amer Zaakaria Adiong Rakim, MP Mohammad Kellie Antao, MP Maarouf Candao, MP Mosber Allaudin, MP Alirakim Munder, MP Jaafar Matalam, MP Atty. Sha Elijah Dumama-Alba, MP Sheikh Said, MP Froilyn Mendoza kabilang na si MOST Deputy Minister Jehan Usop Amella. | via Yanie Nul Abdulrasid, Mindanao Exposé