2 KAHINA-HINALANG LALAKI NA SAKAY NG WALANG PLAKANG MOTORSIKLO, ARESTADO SA DAS, MAGUINDANAO DEL SUR!

Naaresto ang dalawang lalaki sa isang checkpoint operation sa Barangay Talisawa, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur.
Ayon sa Maguindanao Del Sur Police Provincial Office, pinara ang isang asul na motorsiklong walang plaka na sinasakyan ng mga suspek na kinilalang sina alyas “Mokalidin” at “Mohamidin,” kapwa residente ng Barangay Mao.
Dahil sa kahina-hinalang kilos, isinailalim sa inspeksyon ang mga suspek kung saan nadiskubre ang baril na may bala na wala umanong kaukulang dokumento.
Agad na inaresto ang dalawa at kasalukuyang nakakulong habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Samantala, isasailalim sa ballistic examination ang mga nasamsam na baril bilang bahagi ng imbestigasyon. | via Yanie Abdulrasid, @mindanaoexposewebgmail-com


