Shayanie Nul

TIG ₱150,000, TINANGGAP NG MGA CSOs SA ILALIM NG TDIF NI MP BENITO

Tumanggap ng tig-₱150,000 na tulong pinansyal ang ilang Civil Society Organizations (CSOs) mula sa tanggapan ni MP Abdulbasit Benito bilang unang batch ng beneficiaries ng Transitional Development Impact Fund (TDIF) para sa 2026. Ayon kay Benito, layunin ng ayuda na magsilbing panimulang puhunan upang mapalakas ang mga livelihood at community-based projects ng mga organisasyon para…

SHEIKH SALAMAT HASHIM BUILDING, ITINURN-OVER NA SA BTA NG MPW-BARMM

Pormal nang tinanggap ng Bangsamoro Parliament ang Sheikh Salamat Hashim Building, isang 4-storey building na inaasahang magsisilbing karagdagang espasyo para sa lumalawak na legislative work ng BARMM lalo na sa paghahanda para sa kauna-unahang parliamentary elections sa Setyembre 2026. Isinagawa ang turnover ceremony noong Abril 16 sa Bangsamoro Government Compound, sa pangunguna nina Speaker Mohammad…

HIGH-VALUE TARGET, PATAY SA DRUG-BUST SA LANAO DEL SUR; ₱3.4 MILYONG SHABU, NASAMSAM

Patay ang isang high-value target matapos mauwi sa engkwentro ang isinagawang drug buy-bust operation ng PDEA-BARMM sa Barangay Purakan, Balabagan, Lanao del Sur nitong Miyerkules, April 15, 2026. Sa report ng PDEA-BARMM, kinilala ang suspek bilang si alyas “Gary,” 54 years old na residente ng Calanogas, Lanao del Sur. Ayon sa PDEA, nagtangkang manlaban ang…

Mga miyembro ng MILF na umanib sa ibang partido, pinagpapaliwanag; paglabag sa Memorandum No. 06, may katapat na indefinite leave

Ipinag-utos ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Central Committee na magpaliwanag ang mga miyembro nito na umanib o naging bahagi ng mga partidong pampulitika maliban sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP). Ayon sa inilabas na pahayag, ang nasabing hakbang ay kaugnay ng pagpapatupad ng Memorandum No. 06 ng MILF na nagtatakda na ang UBJP lamang…

₱110K NA TULONG PARA SA PAMILYA NG NASAWING BATANG ATLETA SA BARMMAA, INIHANDOG NG 15 MAMBABATAS NG BTA

Nagkaloob ng kabuuang ₱110,000 tulong-pinansyal ang 15 na mambababtas ng Committee on Basic, Higher, and Technical Education para sa pamilya ng 11-anyos na atleta mula sa Lamitan City na nasawi kasabay ng ginaganap sa BARMMAA Meet 2026 sa Parang, Maguindanao Del Norte. Ayon kay CBHTE Vice Chair Susana Anayatin, boluntaryong kontribusyon ang kanilang ginawa at…

PAMAMAHAGI NG LIBRENG GAMOT, AYUDA AT PAGSASAGAWA NG MEDICAL MISSION, MAS PINAIIGTING NG BANGSAMORO GOVERNMENT

Mas pinaiigting ng Bangsamoro Government ang pamamahagi ng libreng gamot, ayuda, at pagsasagawa ng medical mission sa iba’t ibang komunidad sa loob at labas ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Sa ilalim ng programang Project TABANG na pinangungunahan ng tanggapan ni Chief Minister Abdulraof Macacua, patuloy na inilalapit ang serbisyong pangkalusugan at panlipunan…

2 QUARRY BOYS NA SUMA-SIDELINE SA PAGBEBENTA NG SHABU SA CROSSING SIMUAY, SULTAN KUDARAT, MDN, ARESTADO NG PNP

Arestado ang dalawang lalaki matapos ma-entrapped sa isinagawang operasyon ng PNP sa Barangay Crossing Simuay, Sultan Kudarat Maguindanao Del Norte nitong gabi ng Huwebes, April 2. Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na “Kulay” at “Mokong,” na kapwa residente ng Barangay Darapanan at nagtatrabaho bilang “quarry boys.” Ayon sa impormasyon mula kay Kagawad Edres…

CSOs, RELIGIOUS AT YOUTH GROUPS NAGKAKAISA SA SOLIDARITY MARCH SA BARMM ; KAPAYAPAAN AT PAGKAKAISA, PANAWAGAN NG GRUPO

Naglunsad ng solidarity march ang iba’t ibang civil society organizations (CSOs), religious groups, youth, at community representatives sa Cotabato City ngayong araw ng Lunes, March 30 upang maghayag ng panawagan sa gitna ng tumitinding usapin sa pamumuno, alegasyon ng korapsyon, at paulit-ulit na pagpapaliban ng parliamentary elections sa rehiyon. Ayon sa grupo, nagdudulot na ng…

FOREIGN TRAINED MUJAHIDEEN, PINARANGALAN BILANG HEROES OF BANGSAMORO SA GRAND REUNION NG TOP 300 CL FREEDOM 2-72

Nagtipon-tipon ang mga dating foreign trained na Mujahideen sa Isinasagawang Grand Reunion nitong Lingvo, March 28 sa Cotabato City. Ang nasabing mga personalidad ay miyembro ng Top 300 CL Freedom 2-72. Binigyan ng pagkilala ang mga personalidad bilang “Heroes of Bangsamoro”. Ayon sa mga organizer, layunin ng pagtitipon na magbalik-tanaw sa kanilang pakikibaka, kilalanin ang…