NAKIPAGPULONG ANG DELEGASYON NG UNITED NATIONS SA PAMUNUAN NG MILF

Naki­pagpulong ang delegasyon ng United Nations (UN) sa pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte noong Hulyo 13.

Pinangunahan ni United Nations Resident Coordinator sa Pilipinas Arnaud Peral ang delegasyon, na sinalubong ni MILF First Vice Chairman Mohagher Iqbal. Dumalo rin sa pulong sina MILF-AHJAG Chairman Anwar Alamada at iba pang opisyal ng MILF.

Tinalakay sa pagpupulong ang kasalukuyang sitwasyon sa Bangsamoro, ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan, at mga pinakahuling kaganapan sa rehiyon. Napag-usapan din ang nalalapit na unang Parliamentary Elections sa BARMM at ang patuloy na pakikipagtulungan ng United Nations sa Bangsamoro para sa pagsusulong ng kapayapaan at napapanatiling kaunlaran.

Nagpasalamat din ang pamunuan ng MILF sa patuloy na suporta at pakikiisa ng United Nations sa proseso ng kapayapaan sa Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *