GLOBE, NAGHAHATID NG MAS MALALAKING PAPREMYO SA GDAY 2026 RAFFLE

MANILA — Mas pinalaki at pinarami ng Globe Telecom ang mga papremyo para sa 917 GDay 2026 sa pagbabalik ng G Raffle Rush, kung saan maaaring manalo ang mga customer ng house and lot, condominium unit, sasakyan, travel packages at iba pang rewards.

Kabilang sa mga pangunahing papremyo ang isang Avida house and lot, one-bedroom Avida condominium unit, at BYD Atto 2 DM-i Premium na sasakyan.

Mayroon ding P20,000 halaga ng food at shopping vouchers, libreng movie tickets sa loob ng isang taon, P50,000 halaga ng vouchers para sa kuryente, gasolina at grocery, P50,000 GCash credits, 5G devices, Mabuhay Miles, smart home appliances at iba pang rewards mula sa mga partner ng Globe.

Ayon sa Globe, maaaring sumali ang mga customer sa raffle sa pamamagitan ng GlobeOne app, kung saan maaaring gamitin ang kanilang rewards points kapalit ng raffle entries.

Mas maraming points ang ire-redeem, mas maraming raffle entries ang maaaring makuha ng isang customer.

Bahagi ang G Raffle Rush ng 917 GDay 2026 campaign ng Globe na may temang “Love Overload.”

Sinabi ng kompanya na layunin ng programa na magbigay ng karagdagang rewards at mga oportunidad para sa mga customer bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagtangkilik sa mga serbisyo ng Globe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *