KAPATID NG TALITAY MAYOR, BISE MAYOR AT KONSEHAL, ARESTADO SA BISA NG WARRANT OF ARREST

Arestado ang kapatid nina Talitay Mayor Sidik Amiril, Vice Mayor Musa Amiril, at Councilor Bai Pinang Amiril matapos itong isuko sa mga awtoridad ngayong umaga kasunod ng inilabas na warrant of arrest ng korte laban dito.

Ayon kay Mayor Sidik Amiril, walang sinuman ang dapat maging exempted sa pagpapatupad ng batas, kabilang na ang kanilang mga kaanak. Aniya, ang sinumang may pananagutan ay nararapat lamang na humarap sa proseso ng hustisya.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang legal na proseso.

Sa ngayon, hindi pa isinasapubliko ang eksaktong kasong kinahaharap ng inaresto habang nagpapatuloy ang pangangalap ng karagdagang impormasyon mula sa mga awtoridad. | via Mindanao Expose News