5.2 MAGNITUDE NA LINDOL, NARAMDAMAN SA GSKP, MAGUINDANAO DEL SUR!

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bahagi ng General Salipada K. Pendatun, Maguindanao del Sur nitong Biyernes ng gabi, Mayo 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naitala ang pagyanig alas-7:25 ng gabi na may lalim na 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan. Natukoy ang epicenter sa layong 4 kilometro hilagang-kanluran ng General Salipada K. Pendatun.

Naramdaman ang Intensity IV sa Lutayan, Sultan Kudarat; Intensity III sa Palimbang, Sultan Kudarat; at Intensity II sa Magpet, Kidapawan City, at Antipas sa Cotabato.

Samantala, umabot naman sa Instrumental Intensity V ang naitala sa M’lang, Cotabato at President Quirino, Sultan Kudarat.

Wala pang naitatalang malaking pinsala o nasawi kaugnay ng lindol habang patuloy ang monitoring ng mga awtoridad.