IIWAS MUNA SA MAAGANG PAMUMULITIKA SI ICM MACACUA; MGA EMPLEYADO NG BARMM GOVERNMENT NA NAIS UNAHIN ANG POLITIKA, INABISUHAN NA MAS MABUTING MAGBITIW NA LAMANG SA PWESTO!

Iginiit ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua na pansamantala muna siyang lalayo sa pulitika upang ituon ang natitirang buwan ng kanyang panunungkulan sa pamamahala at serbisyo sa Bangsamoro Government.

Ayon kay Macacua, limang buwan na lamang ang natitira sa kanilang termino kaya mas nararapat na pagtuunan ang pangangailangan ng mga Bangsamoro, mga Kristiyano, at Indigenous Peoples kaysa sa maagang pamumulitika.

Hinimok din niya ang mga kawani ng gobyerno na unahin ang serbisyo publiko at huwag isakripisyo ang kapakanan ng taumbayan para sa pulitika. Aniya, kung mas gusto ng isang empleyado ang pamumulitika kaysa pagtupad sa tungkulin, mas mabuti pang magbitiw na lamang sa pwesto upang maiwasan ang komplikasyon. | via Shayanie Nul, Mindanao Expose News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *