UMAASA SI ICM ABDULRAOF MACACUA SA MAS MAAYOS NA IMPLEMENTASYON NG PEACE PROCESSSA ILALIM NG BAGONG PAMUNUAN NG OPAPRU SA KATAUHAN NI MEL SARMIENTO; IGINIIT NI MACACUA NA MAHALAGA PA RIN ANG PAGPUPULONG NILA NI SECRETARY SARMIENTO
Umaasa si BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua na mas magiging maayos at mabilis ang implementasyon ng peace process sa Bangsamoro sa ilalim ng bagong pamunuan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity sa pangunguna ni Mel Senen Sarmiento.
Ayon kay Macacua, bagama’t hindi pa sila personal na nagkakausap ni Sarmiento, positibo siyang maipagpapatuloy ang magandang ugnayan ng OPAPRU at Bangsamoro Government, lalo’t nagkaroon na umano ng paunang pag-uusap sina MILF Peace Implementing Peace Panel Chair Mohagher Iqbal at ang bagong kalihim ng OPAPRU.
Aniya, malinaw ang tungkulin ng magkabilang panig na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng peace agreement at tiyaking maayos ang governance sa BARMM, habang mahalaga rin ang direktang pag-uusap nila ni Sarmiento sa mga usaping may kaugnayan sa intergovernmental relations at pagpapatupad ng mga programa. | via Shayanie Nul, Mindanao Expose News


