πππππ ππππππππ ππ πππ ππππππ ππππ π ππππ ππππππ ππ πππππππππππ ππππ-ππππππ NG ππππππ!

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at banta ng kakulangan sa suplay, naglabas ng Executive Order No. 003, Series of 2026 si BARMM Chief Minister Abdulraof A. Macacua upang itatag ang Bangsamoro Oil Crisis Impact Task Force (BOCITF).
Ang bagong task force ang magsisilbing pangunahing mekanismo ng pamahalaang Bangsamoro sa pagharap sa lumalalang epekto ng oil crisis, kabilang ang pagtaas ng pamasahe, presyo ng pagkain, at gastusin sa kuryente at serbisyong pampubliko.
Ayon sa kautusan, inaatasan ang BOCITF na magsagawa ng agarang assessment sa epekto ng krisis sa transportasyon, suplay ng pagkain, kalusugan, imprastraktura, at kabuhayan ng mamamayan, lalo na ang mga bulnerableng sektor.
Inaatasan din ang task force na maglatag ng mga konkretong hakbang tulad ng fuel conservation measures sa mga ahensya ng gobyerno, targeted social protection programs, at mga polisiya para mapanatili ang operasyon ng mahahalagang serbisyo sa rehiyon.
Bukod dito, binibigyang kapangyarihan ang grupo na pag-aralan ang legal at polisiya na aspeto ng direktang pag-aangkat ng langis mula sa labas ng bansa, alinsunod sa umiiral na batas at international agreements.
Isa sa pinakamabigat na mandato ng task force ang pagbuo ng batayan kung kinakailangan nang magdeklara ng regional state of emergencyβisang hakbang na posibleng ipatupad kung patuloy na lalala ang sitwasyon.
Saklaw ng task force ang halos lahat ng pangunahing ministeryo ng BARMM, habang ang Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (READi) ang magsisilbing sekretaryat at technical support.
Inaasahang magsusumite ang grupo ng kanilang paunang ulat at rekomendasyon sa loob ng pitong araw matapos ang unang pagpupulong.
Ang hakbang ng BARMM ay kasunod ng deklarasyon ng pambansang pamahalaan ng state of national energy emergency sa ilalim ng Executive Order No. 110, Series of 2026, na naglalayong tugunan ang lumalalang krisis sa enerhiya sa buong bansa.
Agad itong ipatutupad upang mapabilis ang koordinasyon at maiwasan ang mas malawak na epekto ng oil crisis sa Bangsamoro. | via Shayanie Nul, Mindanao Expose News


