OPLAN HARABAS IPINATUPAD SA COTABATO CITY; 77 TRANSPORT WORKERS NEGATIBO SA DROGA

Umabot sa 77 driver at konduktor ang nagnegatibo sa paggamit ng ilegal na droga sa isinagawang “Oplan Harabas 2026” ng BARMM inter-agency teams sa mga pangunahing terminal sa lungsod nitong Lunes, March 30.

Pinangunahan ni PDEA-BARMM regional Director Edgar T. Jubay lang operasyon, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, bilang bahagi ng pinaigting na seguridad sa nalalapit na Semana Santa.

Layunin ng operasyon na tiyakin ang kaligtasan ng riding public at mapanatili ang drug-free na transport sector sa gitna ng inaasahang pagdami ng mga biyahero.

Isinailalim sa drug testing ang mga transport workers alinsunod sa umiiral na batas laban sa ilegal na droga at sa pagmamaneho sa ilalim ng impluwensya ng ipinagbabawal na substance.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng inspeksyon ang K9 Unit sa mga pampasaherong sasakyan at kargamento, habang pinaigting ang information drive laban sa droga sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga materyales sa mga pasahero at transport personnel.

Ayon sa mga otoridad, magpapatuloy ang kahalintulad na operasyon upang matiyak ang ligtas at maayos na biyahe ng publiko sa buong rehiyon. | via Yanie Abdulrasid, Mindanao Exposé

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *