MILF CHAIRMAN NAGBABALA : UBJP LANG ANG PATIDO NG MILF; SINUMANG OPISYAL O KASAPI NA LALABAG SA MILF, SASAILALIM SA SANCTION AT DISCIPLINARY ACTION”

Mahigpit na pinaalalahanan ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Al Haj Murad Ebrahim ang lahat ng opisyal at kasapi ng organisasyon na ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) lamang ang opisyal at kinikilalang partidong pampulitika ng MILF.
Ayon sa Memorandum Order No. 06, Series of 2026, iniuutos na ang anumang pagtitipon, pagpupulong, o aktibidad na humihikayat sa mga kasapi ng MILF—kabilang ang kanilang military at political committees—na sumuporta o sumali sa ibang partido ay hindi awtorisado at walang basbas ng MILF at UBJP.

Binigyang-diin ng MILF ang pangangailangang panatilihin ang pagkakaisa, disiplina, at tamang representasyon sa pampulitikang larangan.
Kaugnay nito, mahigpit na pinaalalahanan ang lahat ng opisyal at miyembro ng MILF na maging mapagmatyag at iwasan ang mga hakbang na maaaring magdulot ng kalituhan, pagkakahati-hati, o maling representasyon sa opisyal na estruktura ng kanilang organisasyon.
Babala pa ng MILF, ang sinumang mapatutunayang lalabag sa direktibang ito, matapos ang tamang proseso, ay maaaring maharap sa kaukulang parusang pandisiplina.
Ang nasabing kautusan ay epektibo simula Abril 1, 2026, at ipinatutupad para sa mahigpit na pagsunod ng lahat ng kinauukulan. | via Yanie Abdulrasid , Mindanao Expose News


