MACACUA SA UBJP: HUWAG PALALAIN ANG DISQUALIFICATION CASE, PALAKASIN ANG LEGAL DEPENSA AT PIGILAN ANG MGA ‘ALL-OUT WAR’ NA PAHAYAG, IWASAN ANG MASASAKIT NA SALITA LABAN SA UBJP

Nagpahayag ng kanyang suggestion sa United Bangsamoro Justice Party sa kanyang facebook post si Interim Chief Minister Abdulraof Macacua hinggil sa “Disqualification ng UBJP na Pending sa COMELEC”.

Binigyang diin nito na “Legal is Legal” at dapat tutukan na lamang maayos na pagharap sa nakabinbing disqualification case nito sa Commission on Elections.

Iminungkahi niya na palakasin ang legal team upang masagot nang maayos ang lahat ng alegasyon at tiyaking legal na proseso ang manaig sa usapin.

Binigyang-diin din niya na kailangang maging mahinahon sa mga pahayag laban sa COMELEC at iwasan ang mga salitang maaaring makasama sa kaso.

Hinimok din niya ang pagkontrol sa mga trolls at mapanirang social media posts, lalo na ang mga pahayag tulad ng panawagang “all-out war,” dahil maaari umano itong magamit bilang ebidensya laban sa partido.

Dagdag pa niya, mas makabubuting maghanap ng mga kakampi at iwasang dumami ang kalaban, sa halip na agad humusga habang hindi pa pinal ang desisyon sa kaso. | via Shayanie Nul, Mindanao Expose News