HUMIGIT-KUMULANG 20,000 TILAPIA AT HITO MULA SA AQUACULTURE PROJECT NG MAMASAPANO, IPAMAHAGI PAGDATING NG ANIHAN SA MGA RESIDENTE NG NATURANG BAYAN.
Aabot sa 30 fishpond compartments o “butas” ang kasalukuyang ginagamit bilang aquaculture area ng Mamasapano para sa pagpapalaki ng iba’t ibang uri ng isda, kabilang ang 14,000 tilapia fingerlings at 6,000 hito fingerlings.
Ang proyekto ay bahagi ng inisyatiba ni Vice Mayor Datu Akmad “Tato” Ampatuan Sr. sa pakikipagtulungan ng Mangungaya Manungkaling Farmers and Fisherfolks Marketing Cooperative upang mapalakas ang aquaculture industry at makalikha ng dagdag na kabuhayan para sa mga residente ng bayan.
Ayon sa mga opisyal ng munisipyo, layunin ng programa na mapabuti ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapalawak ng produksyon ng isda at pagbibigay ng oportunidad sa mga residente na makinabang sa sektor ng aquaculture.
Inaasahan ding maipamamahagi sa mga residente ang mga isdang pinalalaki sa pasilidad kapag sumapit na ang panahon ng anihan.
Naniniwala ang lokal na pamahalaan na malaki ang maitutulong ng proyekto sa pagpapalakas ng food security, paglikha ng kabuhayan, at pagpapaunlad ng ekonomiya ng Mamasapano. | via Mindanao Expose News


