MODERNONG SPORTS COMPLEX, ITATAYO SA DATU ANGGAL MIDTIMBANG, MAGUINDANAO DEL SUR

Pormal nang sinimulan ang pagpapatayo ng isang modernong sports complex sa Barangay Adaon, bayan ng Datu Anggal Midtimbang matapos pangunahan ni Datu Ali Midtimbang Sr. ang groundbreaking ceremony ng proyekto.

Ang sports complex ay inisyatiba ni Datu Nathaniel Midtimbang at itatayo sa 11-hectare na lupain.

Ayon kay Mayor Midtimbang, malaking tulong ang pasilidad para sa mga estudyante lalo na sa mga aktibidad pang-sports ng MBHTE.

Target namang matapos ang proyekto sa loob ng 365 araw.

Nagpasalamat din ang alkalde sa suporta ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Midtimbang Sr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *