PARTY CONVENTION NG RAAYAT DEMOCRATIC PARTY, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA COTABATO CITY

Matagumpay na isinagawa ang Party Convention ng Raayat Democratic Party sa Cotabato City kung saan pormal na ipinakilala sa publiko ang kanilang Top 40 nominees bilang paghahanda sa nalalapit na halalan.

Ang pagtitipon ay bahagi ng itinakdang requirements ng Commission on Elections (COMELEC) para sa opisyal na paglahok ng partido sa 1st BARMM Parliamentary Election na gaganapin sa September 14, 2026.

Pinangunahan ni Jose Irbani Lorena, Party President at 1st nominee, ang nasabing convention kung saan inilatag din ang direksyon at adbokasiya ng partido.

Ibinahagi rin ang Top 10 nominees ng partido:

  1. LORENA, JOSE I.
  2. HADJIL ABDULLAH, KHALID M.
  3. AMPATUAN, BAINTAN A.
  4. UY-OYOD, SITTIE FAHANIE S.
  5. MUSTAFA, NASSER S.
  6. MATALAM, DATU UDTOG IV L.
  7. GARCIA, PERFECTO JR. G.
  8. DRUZ ALI, SCHENETTE O.
  9. ACBAR, MADKIA
  10. TUAHAN, BOFILL A.

Kasabay nito, inilatag ng partido ang kanilang mga layunin at plataporma na naka-angkla sa kanilang slogan na “Partido Para sa Lahat ng Bangsamoro,” na naglalayong isulong ang inklusibong pamamahala at representasyon sa rehiyon.

| via Shayanie Nul, Mindanao Exposé News