UBJP, NAKAPAG-SUMITE NA NG “VERIFIED ANSWER” SA COMELEC EN BANC HINGGIL SA PETISYON LABAN SA PARTIDO

Kinumpirma ni MP Atty. Lanang Ali Jr., Chairperson ng UBJP Committee on Legal and Voters Protection, na nakapagsumite na nitong Huwebes, April 23, 2026 ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ng “verified answer” kaugnay ng opposition na inihain laban sa kanilang registration sa Commission on Elections En Banc.

Ayon kay Atty. Lanang Jr., bago pa man kumalat sa social media ang petition ay natanggap na ng legal team ng UBJP ang kopya at snakahanda na silang sagutin ito.

Iginiit niya na walang basehan ang lahat ng alegasyon sa opposition at naniniwala silang hearsay lamang ang mga ito.

Aniya, kumpiyansa ang partido na ibabasura ng COMELEC En Banc ang petisyon dahil may sapat silang ebidensya upang pabulaanan ang mga paratang.

Sinabi rin niya na hindi na bago sa UBJP ang ganitong mga opposition at laging handa ang kanilang legal team sa ganitong usapin.

Ayon pa kay Ali, halatang may mga grupong natatakot sa paglahok ng UBJP sa halalan dahil sa malakas na suporta ng publiko sa partido.

Giit niya, bahagi ng political track ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro na ang Moro Islamic Liberation Front ay lalahok sa eleksyon sa pamamagitan ng UBJP sa BARMM.

Nanawagan ni Atty. Ali sa mga members, supporters at sa publiko na maging mahinahon at huwag matakot dahil ginagawa ng partido ang lahat hinggil sa usapin. | via Shayanie Nul, Mindanao Expose News