PAHAYAG NI MP ATTY. LANANG ALI JR. MATAPOS MATANGGAL SA PWESTO
Naglabas ng pahayag si MP Atty. Lanang Ali Jr. kasunod ng kanyang pagkakatanggal bilang Deputy Speaker ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament.
Ayon kay Ali, inaasahan na niya ang naging desisyon parlyamento at iniuugnay ito sa umano’y pagbabago ng pamumuno sa loob ng parlamento.
“Expected ko na yan. Hindi na kasi MILF-led ngayon ang BTA Parliament kaya nangyayari ang mga ganitong sitwation. Ito na ’yung mukha ng GPH-led BTA Parliament.”
Ipinunto ng mambabatas na ang kasalukuyang sitwasyon sa BTA ay repleksyon umano ng paglipat ng impluwensya mula sa pamumunong nakabatay sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) patungo sa mas malakas na papel ng National Government.
Dagdag pa niya, ang mga nangyayari ngayon sa loob ng parlamento ay hindi na bago at bahagi na ng inaasahang direksyon sa ilalim ng bagong liderato. | via Shayanie Nul, Mindanao Expose News


