10 MIYEMBRO NG DI-MAUTE GROUP,KABILANG KANILANG LIDER, PATAY SA OPERASYON NG MILITAR SA LANAO DEL SUR

Sampung(10) miyembro ng Dawlah Islamiya–Maute Group (DI-MG), kabilang ang isang mataas na lider, ang napatay sa isinagawang operasyon ng mga pwersa militar sa Lanao del Sur nitong Biyernes, April 17, 2026.
Ayon sa Philippine Army, pinangunahan ang operasyon ng 103rd Infantry (HARIBON) Brigade sa ilalim ng 1st Infantry Division, katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), RSOT, at mga awtoridad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Iniulat na ang mga napatay ay ang mga sangkot sa Munai ambush sa Lanao del Norte noong January 23, 2026, kung saan apat na(4) sundalo ang nasawi at isa ang nasugatan.
Wala namang naiulat na nasawi sa panig ng pamahalaan sa naturang operasyon.
Narekober sa lugar ng engkwentro ang ilang baril, isang improvised explosive device, at mga bahagi ng pampasabog.
Isang sanggol din ang nasagip ng mga tropa at agad na binigyan ng medikal na atensyon.
Ayon sa militar na bahagi ang operasyon ng pinaigting na kampanya laban sa mga armadong grupo sa Lanao, at patuloy ang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon. | via Yanie Abdulrasid


