Mga miyembro ng MILF na umanib sa ibang partido, pinagpapaliwanag; paglabag sa Memorandum No. 06, may katapat na indefinite leave

Ipinag-utos ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Central Committee na magpaliwanag ang mga miyembro nito na umanib o naging bahagi ng mga partidong pampulitika maliban sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP).
Ayon sa inilabas na pahayag, ang nasabing hakbang ay kaugnay ng pagpapatupad ng Memorandum No. 06 ng MILF na nagtatakda na ang UBJP lamang ang kinikilalang opisyal na partidong pampulitika ng organisasyon.
Babala ng MILF, ang mga miyembrong mapapatunayang lumabag sa naturang patakaran at hindi makapagsusumite ng sapat na paliwanag ay papatawan ng “indefinite leave,” o pansamantalang pagliban sa organisasyon nang walang tiyak na panahon.
Nilinaw ng pamunuan na ang bawat kaso ay dadaan sa masusing pagsusuri bago maglabas ng pinal na desisyon ang Central Committee. | via Yanie Nul Abdulrasid


