13 BIFF MEMBERS, SUMUKO SA MILITAR DALA-DALA ANG ILANG ARMAS

Labintatlong (13) miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF-Karialan Faction ang sumuko sa 38th Infantry Battalion nitong Huwebes, April 16.
Kasabay ng kanilang pagsuko ay dala-dala rin nila sampung (10) matataas na kalibre armas.
Pormal na iprenisinta ni 601st Infantry Brigade Commander BGEN. Edgar Catu ang mga dating rebelde sa Headquarters ng 38th Infantry Battalion sa Datu Piang Maguindanao del sur ngayong araw ng Huwebes, April 16.
Sa ulat, pito sa kanila ay mula sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha, habang tig dalawa naman mula sa bayan ng Mamasapano, Datu Saudi at Shariff Aguak Maguindanao del sur.
Kasabay ng kanilang pagsuko, tumanggap ng bigas, food packs at cash assistance ang Former Violent Extremist Group mula sa Lokal na Pamahalaan, MSSD, MILG, MPOS at sa BTA Member of the Parliament.
Ayon kay alyas Baron isa sa mga BIFF Surrenderee, napagsesisyuna nitong sumuko dahil nais na nitong mamuhay ng mapayapa kasama ang kaniyang pamilya ng walang pangamba na tutugusin sya ng pamahalaan.
Samantala, inaasahan ni BGEN Catu na mas madami pang violent extremist sa kanyang area of responsibility na mahikayat na sumuko sa pamahalaan. | via Yanie Nul Abdulrasid


