PANUKALANG SALAMAT HASHIM BOARDING MADRASAH, UMABANTE NA SA KOMITE NG BTA; FULL-TIME RESIDENTIAL EDUCATION, ISINUSULONG NI MP ABDULBASIT BENITO

Umabante na sa antas ng komite ng Bangsamoro Transition Authority ang panukalang batas na naglalayong itatag ang Salamat Hashim Boarding Madrasah, na inaasahang magpapalakas sa Education system BARMM region.
Sa isinagawang pagdinig ng Committee on Basic, Higher, and Technical Education, tinalakay ang BTA Bill No. 420 na inakda ni MP Abdulbasit Benito. Layunin ng panukala na magtatag ng isang full-time residential education system para sa mga mag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 12.
Pagsasamahin sa curriculum ang mga asignaturang sekular at mas pinaigting na Islamic studies, kabilang ang pag-aaral ng Qur’an at wikang Arabic, kasabay ng paghubog ng kakayahan sa pamumuno ng mga estudyante.
Inirefer ang panukala sa Subcommittee on Madaris para sa mas masusing pagtalakay, kabilang ang mandato, estruktura, at pondo na kakailanganin para sa operasyon ng nasabing institusyon.
Ayon sa komite, bahagi ito ng mas malawak na layunin na mapalakas ang integrasyon ng relihiyoso at makabagong edukasyon sa rehiyon ng Bangsamoro. | via Yanie Nul Abdulrasid, Mindanao Exposé


