PNP PROBAR, NAGSAGAWA NG PASSION OF THE CROSS

Pinangunahan ni PBGEN Jaysen C. De Guzman, Regional Director, ang “Passion of the Cross” bilang bahagi ng paggunita sa Good Friday nitong Abril 3, 2026 sa Camp BGen Salipada K. Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte.

Dumalo rin sa aktibidad sina PCOL Rexmel G. Reyes, Acting Deputy Regional Director for Operations, at PCOL Carlito A. Narag Jr., Acting Chief of the Regional Staff, kasama ang iba pang PNP personnel at kanilang mga dependents.

Ayon sa PRO BAR, ang aktibidad ay bahagi ng paggalang sa iba’t ibang pananampalataya at pagpapalakas ng pagkakaisa sa rehiyon. | via Mindanao Expose News