IBALIK SI MURAD BILANG CHIEF MINISTER, IBALIK ANG MILF LED BTA, PATALSIKIN ANG MGA OPORTUNISTA SA BARMM, IPATUPAD ANG CAB AT PATALSIKIN SI LAGDAMEO
Ito ang ilan sa mga pangunahing panawagan ng mahigit 1,000 raliyista na nagsagawa ng kilos-protesta sa Mendiola, Maynila ngayong Lunes.
Ipinanawagan ng mga kalahok ang pagbabalik ng pamumuno ng MILF sa BARMM, muling pagtatalaga kay Al Haj Murad Ebrahim bilang Interim Chief Minister, at ang ganap na pagpapatupad ng mga probisyon ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
Nanawagan din ang grupo na alisin umano ang mga oportunista sa BARMM, magtalaga ng bagong GPH Peace Implementing Panel Chair, at hinikayat si Ferdinand Marcos Jr. na tanggalin si Special Assistant to the President Anton Lagdameo sa kanyang posisyon.
Ayon sa mga organizer, layunin ng kilos-protesta na igiit ang kanilang panawagan para sa pagpapatuloy at ganap na pagpapatupad ng mga kasunduang pangkapayapaan sa Bangsamoro. | Mindanao Expose News


