2 SUSPEK SA TANGKANG PANDUDUKOT NG SENIOR CITIZEN, ARESTADO!
Nahabol at naaresto ng PNP ang dalawang supek na tangkang dukutin ang isang senior citzen na mangingisda sa bahagi ng Barangay Buayan, Datu Piang, Maguindanao Del Sur nitong May 28, 2026.
Ito ang kinumpirma ng tagapagsalita ng PROBAR PCapt. Steffi Salanguit sa Mindanao Exposé News.
Ayon sa report ng Datu Piang Municipal Police Station,
Kinilala ang biktimang si Dhats Nok Batingcay, 63-taong gulang, isang magsasaka at residente ng Brgy. Magsalong sa naturang bayan.
Lumalabas sa inisyal na imbestigayon na, minamaneho lamang noon ng biktima ang kayang payong-payong motorsiko at bigla itong huminto para sagutin ang tawag sa kanyang cellphone.
Kasabay nito, huminto rin ang isnang Toyota Vios na may plakang MBF 9576 at bumaba ang dalawang lalaki at sapilitang isinakay ang biktima ngunit nagawa umano nitong magpumiglas at nakatakas.
Agad namang huminngi ng tulong ang biktima at mabilis nakaresponde ang PNP at naglunsad ng hot persuit operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek na kinilalang sina Mark Greg Amacio, residente ng Digos City at Juneson Bonane Miranda ng Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte.
Samantala, kinuyog naman ng galit na galit ma mga residente ang mga suspek at pinagpupupok at binasag ang windshield ng sasakyan ng mga suspek.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang motibo sa insidente habang dinala na sa Datu Piang MPS ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon. | via Shayanie Nul, Mindanao Expose News


