MAHIGPIT NA GUN CONTROL SA BARMM, ITINUTULAK SA BTA-PARLIAMENT
Itinutulak sa Bangsamoro Transition Authority ang panukalang batas na magpapatupad ng mas mahigpit na regulasyon sa baril sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa ilalim ng panukala ni Atty. Omar Yasser Sema, lilimitahan sa dalawang baril ang maaaring pagmamay-ari ng bawat indibidwal o entidad at gagawing mandatory ang rehistrasyon at tracking ng lahat ng armas.
Kailangan ding sumailalim sa mas mahigpit na requirements ang aplikante, kabilang ang police at NBI clearance, drug at psychiatric test, at gun safety training.
Kasama rin sa panukala ang boluntaryong pagsuko ng baril kapalit ng kabuhayan, at ang pansamantalang pagdeposito ng armas ng mga sangkot sa rido upang maiwasan ang karahasan.
Ayon sa may-akda, layunin nitong masugpo ang paglaganap ng “loose firearms” at mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon | via Yanie Abdulrasid


