OFFICE OF THE CHIEF MINISTER-SATELLITE OFFICE SA BASILAN PROVINCE, PINASINAYAAN NA

Pinasinayaan na ang satellite office ng Office of the Chief Minister (OCM) sa Lamitan City, Basilan.

Pinangunahan mismo ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua ang seremonya kasama sina Basilan Governor Mujiv Hataman at European Union Ambassador Massimo Santoro at ilang opisyal ng Bangsamoro Government.

Ayon kay ICM Macacua, itinatag ang tanggapan upang magsilbing extension ng OCM at mapadali ang koordinasyon ng mga programa at serbisyo sa lalawigan.

Suportado ang proyekto ng European Union sa ilalim ng SUBATRA Program, katuwang ang United Nations Office for Project Services (UNOPS).

Inaasahang magagamit ang satellite office sa pagpapatupad ng mga serbisyo ng pamahalaan sa Basilan. |via Yanie Abdulrasid