SUPREME COURT, INATASAN ANG BTA AT COMELEC NA SUMAGOT O MAGKOMENTO SA PETISYON KONTRA REDISTRICTING LAW AT ELECTORAL CODE NA INIHAIN NINA SULTAN ALIM SAAD AMATE AT MAULANA MAMUTUK

Inatasan ng Korte Suprema ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) at Commission on Elections (COMELEC) na magsumite ng kanilang tugon kaugnay sa petisyong kumukwestiyon sa Districting Law ang Electoral Code sa BARMM

Sa isang resolusyon na may petsang Abril 8, 2026, iniutos ng Korte Suprema En Banc sa BTA at COMELEC na magsumite ng komento sa loob ng sampung (10) araw.

Ang kautusan ay may kaugnayan sa petisyong inihain nina Sultan Alim Saad I. Amate at Maulana L. Mamutuk, na kumukwestiyon sa Bangsamoro Autonomy Act (BAA) No. 86 hinggil sa redistricting sa BARMM at BAA No. 88 na nag-aamyenda sa Electoral Code ng rehiyon..

Inaatasan ang mga respondent na isumite ang sumusunod:

  1. Komento sa petisyon at sa kahilingan para sa Temporary Restraining Order (TRO);
  2. Opisyal na barangay-level na mapa ng BARMM;
  3. Datos ng populasyon sa antas ng barangay, kabilang ang kumpletong deliberasyon kaugnay ng BAA 86 at BAA 88.

Ayon sa Korte Suprema, mahalaga ang mga dokumentong ito upang masusing masuri ang mga kinukwestiyong pagbabago sa redistricting at electoral system sa rehiyon.

Dagdag pa ng korte, kinakailangang masiguro na ang mga prosesong isinagawa sa Bangsamoro ay naaayon sa Konstitusyon, malinaw, at makatarungan.

| via Yanie Nul Abdulrasid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *