DALAWA PATAY, ISA SUGAT SA PAMAMARIL SA KADAYANGAN, SGA-BARMM
Patay ang dalawang lalaki habang sugatan ang isa matapos na pagbabarilin sa Brgy. Sambulawan, Kadayangan, Special Geographic Area nitong Abril 19, 2026.
Sa report ng PNP PROBAR, kinilala ang mga nasawi na sina Ambi Tukuran, isang magsasaka at residente ng Brgy. Lumupog, Midsayap, North Cotabato, at si Ali Habib Lumilis, 24 anyos, residente ng Brgy. Kadingilan, Nabalawag, SGA-BARMM.
Parehong nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Sugatan naman si Edmund Aliso, isa ring magsasaka at residente ng Brgy. Lumupog, Midsayap, na kasalukuyang ginagamot matapos magtamo ng mga tama ng bala sa kamay, paa, at tiyan.

Lumalabas sa inisyal na imbestogasyon na sakay ng motorsiklong Honda Click ang mga biktima at patungo sa Midsayap nang pagbabarilin sila ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklong XRM at nakasuot ng bonnet.
Narekober sa lugar ang apat na basyo ng bala na hinihinalang mula sa M16 rifle at isang basyo ng kalibre .45 na baril.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen, na unang pinaniniwalaang may kaugnayan sa alitan ng pamilya o “rido.”
Nagsagawa na rin ng hot pursuit operations at naglatag ng checkpoints ang mga awtoridad para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng mga suspek. | via Yanie Nul Abdulrasid


