OFFICIALLY PROCLAIMED NA SI MP-ELECT AMIR MAWALLIL Opisyal nang ipinroklama ng Commission on Elections (COMELEC) si Amilbahar “Amir” S. Mawallil bilang MP-elect at nanalong party representative ng BARMM Grand Coalition (BGC) sa 1st BARMM Parliamentary Elections.

Si Mawallil ay isa sa mga BGC regional party nominees na nakakuha ng puwesto sa bagong Bangsamoro Parliament, dahilan upang muling makabalik sa Parlamento matapos ang kanyang dating termino bilang Member of Parliament. Dating miyembro ng Bangsamoro Transition Authority Parliament, kilala rin si Mawallil bilang manunulat at youth advocate na naging aktibo sa mga usapin…