GINANAP ANG BANGSAMORO PARTY (BAPA) CONVENTION SA COTABATO CITY BILANG PAGHAHANDA SA 1ST BARMM PARLIAMENTARY ELECTIONS

Matagumpay na isinagawa ngayong Miyerkules, April 29, 2026, ang Party Convention ng Bangsamoro Party (BAPA) sa Barangay Tamontaka 5, Cotabato City, bilang paghahanda sa nalalapit na kauna-unahang Parliamentary Elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Dumalo sa pagtitipon ang libo-libong miyembro at tagasuporta ng partido kasama ang matataas na opisyal ng Moro National Liberation Front (MNLF) at mga pangunahing lider ng BAPA.

Kabilang sa mga dumalo sina BAPA President Minister Mislimin Sema, MP Atty. Omar Yasser Sema, MP Bai Ali Karon, MTIT Minister Farserina Mohammad, DS Adzfar Usman, Hja. Bainon Karon, DS Datu Faisal Karon, Abduljabar Mamoclo, MP Hatimil Hassan, at iba pang opisyal ng partido.

Sa naturang convention, opisyal na ipinakilala ng Bangsamoro Party ang kanilang 40 party-list nominees gayundin ang kanilang mga kandidato para sa district level, bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa 1st BARMM Parliamentary Elections.

Ayon sa pamunuan ng partido, layunin ng BAPA na palakasin ang kanilang organisasyon at tiyakin ang mas malawak na representasyon ng kanilang mga miyembro sa paparating na halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *