FOREIGN TRAINED MUJAHIDEEN, PINARANGALAN BILANG HEROES OF BANGSAMORO SA GRAND REUNION NG TOP 300 CL FREEDOM 2-72

Nagtipon-tipon ang mga dating foreign trained na Mujahideen sa Isinasagawang Grand Reunion nitong Lingvo, March 28 sa Cotabato City.

Ang nasabing mga personalidad ay miyembro ng Top 300 CL Freedom 2-72.

Binigyan ng pagkilala ang mga personalidad bilang “Heroes of Bangsamoro”.

Ayon sa mga organizer, layunin ng pagtitipon na magbalik-tanaw sa kanilang pakikibaka, kilalanin ang sakripisyo ng bawat kasapi, at parangalan ang mga namatay na kasama sa pakikibaka.

Dumalo bilang panauhing pandangal si BARMM Chief Minister at BIAF Chief of Staff Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua sa nasabing aktibidad.

Ang Top 300 CL Freedom 2-72 ay binubuo ng mga pioneer na lumaban sa mga unang taon ng pakikibaka para sa kalayaan at sariling pamamahala ng Bangsamoro.