KABABAIHAN SA PAMUMUNO, ITINAMPOK NG TANGGAPAN NI MP BENITO SA WOMEN’S MONTH
Itinampok ng tanggapan ni Abdulbasit R. Benito ang mahalagang papel ng kababaihan sa pamumuno bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month 2026.
Ayon sa opisina, kababaihan ang humahawak sa mahahalagang posisyon tulad ng chief of staff, administrative, legal, at political staff—patunay ng kanilang kakayahan at tiwala sa liderato ng mga ito.

Bukod dito, patuloy umanong isinusulong ni Benito ang mga programa at panukalang batas para sa karapatan at partisipasyon ng kababaihan, kabilang ang pag-amyenda sa panukalang Bangsamoro Gender and Development Code.
Sa ngayon, nasa Metro Manila si Benito upang makipagtulungan sa komite para sa kababaihan at iba pang sektor, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng inklusibong polisiya sa Bangsamoro.


