KASONG MURDER AT CARNAPPING, ISINAMPA SA SUSPEK SA PAGPATAY SA J&T RIDER

Kinasuhan na ng Pandag Municipal Police Station ng murder at paglabag sa Anti-Carnapping Act of 2016 ang isang suspek kaugnay ng natagpuang bangkay sa Sitio Bakotoy, Barangay Pandag, Maguindanao del Sur noong March 9.

Kinilala ang biktima na si Julius Teniedo Sonsona, 32 anyos at residente ng Tulunan, North Cotabato.

Sa imbestigasyon, lumabas na pinatay ang biktima sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang lubid at paulit-ulit na pananakit sa katawan bago itinapon sa lugar kung saan siya natagpuan.

Nakatulong ang isang testigong lumantad, sa tulong ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Mohajeran K. Balayman, upang matukoy ang suspek at maisampa ang kaso sa piskalya noong March 25, 2026.

Idineklara ng pulisya na cleared na ang kaso. | (Shayanie Nul)