₱136K SHABU NASABAT SA BUY-BUST SA COTABATO CITY, SUSPEK TUMAKAS
Aabot sa ₱136,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency katuwang ang Philippine National Police noong Marso 24 sa Purok Waling-Waling, Mother Barangay Bagua.
Pinangunahan ng PDEA-BARMM Regional Special Enforcement Team ang operasyon kasama ang Police Station 4, City Mobile Force Company, at Maritime Group.
Target ng operasyon ang suspek na si alias “Thats,” 38-anyos at isang plea bargainer, ngunit nakatakas matapos makatunog at tumakas sa hindi matukoy na direksyon.
Narekober sa lugar ang 10 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 20 gramo, isang cellphone, buy-bust money, at drug paraphernalia.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang nagpapatuloy ang operasyon para sa agarang pag-aresto sa suspek.


