
Arestado ang dalawang lalaki matapos ma-entrapped sa isinagawang operasyon ng PNP sa Barangay Crossing Simuay, Sultan Kudarat Maguindanao Del Norte nitong gabi ng Huwebes, April 2.
Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na “Kulay” at “Mokong,” na kapwa residente ng Barangay Darapanan at nagtatrabaho bilang “quarry boys.”
Ayon sa impormasyon mula kay Kagawad Edres Tumanggong, Ayon kay Kagawad Edres Tumanggong, isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon sa barangay hinggil sa umano’y ilegal na pagbebenta ng shabu ng dalawang indibidwal sa lugar. Dahil dito, agad na nakipag-ugnayan ang barangay sa Sultan Kudarat Municipal Police Station upang ikasa ang operasyon.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng mga suspek at pagkakasamsam ng aabot sa 12 sachet ng hinihinalang shabu.
Nakakulong ngayon sa kustodiya ng Sultan Kudarat MPS ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Yanie Abdulrasid, Mindanao Expose News